Laban sa mga pasaway na motorista.. MMDA, bigyan ng bolo
- Gina Pleñago
- Nov 21, 2019
- 1 min read

Iminungkahi ni Marikina 1st District Representative Bayani Fernando ang pagbibigay ng armas sa mga traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon sa dating MMDA chairman, ang bolo ay magsisilbing proteksiyon ng mga enforcer mula sa mga pasaway na motorist.
Samantala, sa halip na bolo, ibang armas na lang umano ang dapat na ibigay sa mga traffic enforcer. Ani MMDA Traffic Czar Edison ‘Bong’ Nebrija, maaaring magdulot ng karahasan kapag bolo ang dala ng kanilang mga tauhan.
“Mahirap ang bolo kasi baka makapatay pa ‘yang mga enforcer. Dapat may proper training din at neuro-psychological test ang mga ‘yan,” ani Nebrija.
Aniya, imbes na bolo, baka puwedeng pepper spray o baton na lang ang ibigay sa mga enforcer.





Comments