Horoscope | Nobyembre 21, 2019 (Huwebes)

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 21, 2019 (Huwebes): Huwag kang magsawang gumawa ng kabutihan sa iyong kapwa dahil ang langit ay hindi nagsasawang bigyan ka ng mga biyaya.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) -Ngayon ang magandang pagkakataon para magkawanggawa. Hinihintay na ng langit ang iyong mga kilos at ikaw ay pagpapalain. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-19-20-25-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang mag-atubiling tulungan ang mga nangangailangan. Ang langit din ay hindi mag-aatubiling ikaw ay hulugan ng mga suwerte na iyong kailangan ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-24-27-34-42-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Humuhupa ang galit at napapalitan ng pag-ibig. Ang hiwagang ito sa buhay ng tao ay mangyayari sa iyo. Hindi kapani-paniwala, pero mawawala ang galit mo at iibigin mo ang iyong kagalit. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-20-21-26-32.
CANCER (June 21-July 22) - Muling nagbalik ang mga araw na buwenas ka. Ang buwenas ay ang wala namang ginawang pagsisikap ang tao, pero napupunta sa kanya ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-19-24-38-41-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mamahalin mo ang magpapakita sa iyo ng kabutihan kahit may minamahal ka na sa kasalukuyan. Mahirapan kang labanan ang sinasabing ito ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-18-24-25-33-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magdamot at hindi ka pagdaramutan ng langit. Maging mapagbigay ka at mahihiling mo sa langit ang mga gusto mong mapasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-19-29-30-33-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahina ka ngayon kaya umiwas ka sa magpapakita sa iyo ng maganda dahil sa ganito nagsisimulang makaisa ang mga mapagkunwaring nilalang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-20-21-25-32.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bigyang-daan mo ang pakikipag-ayos. Mas masarap mabuhay nang walang kaaway kaya maghanap ka ng solusyon para sa pagkikipagkasundo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-25-39-41-45-46.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magparaya ka dahil ikaw ay nakagagawa rin ng pagkakamali sa iyong kapwa. Ang malawak na kaisipan ay susi sa maligayang pamumuhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-18-20-21-25-28.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maawa ka at tama lang ang maawa. Pero dapat ay disiplinahin mo ang iyong sarili na madalas na nangyayari sa iyo na kinaaawaan mo ang mga hindi dapat kaawaan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-10-15-16-25-28.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumampi ka sa dapat kampihan. Ang mga mali ang katwiran ay hindi dapat kunsintehin. Ito ang gamitin mong gabay sa iyong buhay nang sa gayun ay palagi kang nasa panig ng kabutihan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-14-16-23-31.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hawak mo ang iyong kapalaran at muli kang binigyan ng prebilehiyo na magawa ang anumang gusto mo para sa iyong buhay. Huwag mo itong sayangin, gumawa ka ng maganda para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-18-20-25-27-35.




Comments