Footbridge bumigay, 11 nadale
- Jeff Tumbado
- Nov 21, 2019
- 1 min read

Photo: Mountain Province DRRM Office
Nasa 11 katao ang sugatan matapos silang mahulog sa bumigay na footbridge habang sila ay tumatawid sa bahagi ng Mountain Province, kahapon.
Nabatid sa report ng Cordillera Autonomous Region Police Office, karamihan sa mga biktima ay kagagaling lamang sa pagdalo sa lamay at pauwi na nang maganap ang insidente pasado alas-7:00 ng umaga sa Sitio Futyang, Bgy. Betwagan, Sadanga.
Bumigay ang nasa 28 taong footbridge nang hindi na makayanan ang pagtawid ng mga biktima na dinala sa Bontoc General Hospital at Luis Hora Memorial Hospital.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.





Comments