'Di man umubra kay Alden… Hirit ng netizen: Maine, jackpot kay Arjo dahil ipinaglaban siya
Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @everythingarmaine
Binabatikos ng netizens ang larawang ipinost ni Sylvia Sanchez sa kanyang social media account na kuha nu’ng Nov. 17. Nilagyan niya ito ng caption na: “Dinner time with the family. Sunday is a famday.”
Kasama ng buong Atayde family ang GF ni Arjo Atayde na si Maine Mendoza. Ang mga AlDub fans na hanggang ngayon ay hindi pa maka-move on sa relasyon ng ArMaine ay inakusahan si Sylvia na pino-photoshop umano ang nasabing larawan. Kesyo hindi naman daw dinner time ang eksena sa picture dahil may araw pa.
Eh, ang Pamilya Ko lead actress, hindi nagpapatalo kapag alam niya na siya ay nasa lugar kaya sinagot niya ang basher na obviously ay fans ng AlDub.
Ayon sa mahusay na aktres sa kanyang socmed, “Check! Podium les flores 8:30pm last Sunday. Sa taas kami nakapuwesto, good luck (with smiley emoji).”
May AlDub fans naman na naka-move on na. Tanggap na nilang walang love involved sa pagitan nina Maine Mendoza at Alden Richards at isa sa mga comments ay, “Most legit fans have moved on with their lives, to be honest. Hindi ko alam ba’t may mga account pa na nagsasayang ng oras ipaglaban ‘yang non-existent LT (love team) na ‘yan.”
Pagtatanggol naman ng iba hinggil sa dinner time ng Atayde family, “Mailaw naman kasi sa labas kaya kita ang mga sasakyan. Grabe naman ‘tong mga AlDub fantards. Maka-comment lang ng masama, eh.”
“Love, love, love!!! Basta masaya kami sa ArMaine at lalong masaya ako kay Maine, finally merong isang Arjo na kaya siyang ipaglaban.”
May nagsabi namang dapat daw ay sabihin na ni Maine ang relasyon nila ni Arjo.
Sagot naman ng isang netizen na ipinagtanggol ang family ni Arjo.
“Ang tagal na kayang nagsalita ni Maine tungkol sa kanila ni Arjo...
“They are getting to know each other kaya huwag i-bash si Arjo at ‘yung family niya...slow IQ lang ‘yung iba at ayaw talagang tumanggap ng current na ganap sa relationship nila...
“Getting to know each other kasama na riyan ‘yung dates at spending time with family members. Nagpunta na nga si Arjo sa birthday ng pamangkin ni Maine, ano pa ba kasing confirmation ang hinihintay nila?
“Huwag madaliin lahat ng bagay sa mundo..it takes time to know one person. Kahit nga asawa mo na, minsan hindi mo pa rin lubos na kilala, eh, ‘di ba? Just let them enjoy each other’s company.”
Anyway, balik sa dinner isyu, totoo ang post ni Sylvia na ang Sunday ay family day.
Bago sila nag-dinner ay may opening ng Beautederm business ni Sylvia at partner sila ng anak niyang si Ria Atayde. Sinuportahan ng buong pamilya ang bagong business ng mag-ina.
After the event ay saka nag-dinner ang buong Atayde family. At wala rin namang questions kung kasama si Maine sa grupo. Girlfriend siya ni Arjo. Ilang beses na rin namang sinabi ni Sylvia na kung sino ang mahal ng mga anak niya at kung nakikita naman niyang mahal din ang mga ito ng kanilang karelasyon, never siyang makikialam.
Tanong tuloy ng ArMaine fans, pormal na raw bang ipinakilala ni Arjo si Maine sa kanyang pamilya?





Comments