Construction worker binaril sa ulo

Todas ang isang construction worker na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos barilin sa ulo sa Caloocan City, kahapon.
Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo si Celso Ortega, 28, ng Bgy. Catmon, Malabon City.
Pinaghahanap pa ang suspek na si Rodolfo Maniego, Jr., ng Bgy. 4, Caloocan City.
Sa nakarating na report kay Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores, alas-8:00 ng umaga, nakatulog habang nagpapahinga ang biktima sa bangketa sa Gen. San Miguel St., Bgy. 8 nang lapitan ito ng suspek at malapitang binaril sa ulo.
Ayon naman kay Bgy. 8 Chairman Honesto Gaton, ang biktima at ang suspek ay kabilang sa kanilang barangay drug watchlist at naniniwala ito na droga ang motibo sa insidente.
Dagdag pa niya, mula nang mag-deploy siya ng mga barangay tanod sa kahabaan ng Gen. San Miguel ay lumipat ang transaksiyon ng droga sa boundary ng Bgy. 4.





Comments