Bawas-trapik.. Lahat ng U-turn sa EDSA, isara

Iminumungkahi ng lider ng minorya sa Kamara de Representantes ang pagpapasara sa lahat ng U-turn slots sa kahabaan ng EDSA upang mabawasan ang bigat ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Kasabay nito ang panukala ni House Minority Leader Bienvenido Abante, Jr., na maglagay ng fast lane para sa mga carpool o sasakyang may maramihang pasahero.
“I was thinking na tanggalin na ‘yung mga U-turn na ‘yan, and then ‘yung fast lane should be dedicated to carpools,” ani Abante.
Sinabi ni Abante na may pangangailangan ngayong alisin na ang U-turn slots dahil sa patuloy na pagdami ng mga sasakyang dumaraan sa EDSA. Si dating MMDA chairman at ngayo’y Marikina City Rep. Bayani Fernando ang unang nagpatupad ng U-turn slots.
Ipinunto ni Abante na noong panahon ni Fernando ay kakaunti pa lang ang mga sasakyan subalit, ngayon ay triple na ang pagdami ng mga sasakyan sa EDSA.





Comments