Aces, sumampa na sa q’finals
- ATD
- Nov 21, 2019
- 1 min read

Nilagok ng Alaska Aces ang NLEX Road Warriors, 106-90 upang masiguro ang pagsampa sa quarterfinals ng PBA Govenor’s Cup kagabi sa Ynares Center, Antipolo.
Nangamada si import Franco House ng 24 points, walong rebounds at apat na assists upang tulungan ang Aces na ikahaon ang four-game winning streak at ilista ang 5-6 record sapat para upuan ang No. 7 spot sa team standings.
Maagang ipinaramdam ng Alaska ang kanilang lakas ng hawakan nila ang 17-point lead, 63-46 sa halftime.
Dahil sa laki ng bentahe ay nakipagsabayan na lang ang Aces sa second half upang manatili sa kanila ang bentahe at silatin ang tigasing Road Warriors.
Nagtala sina JV Casio, Kevin Racal at Abu Tattler ng tig 12 puntos para sa Aces habang nag-ambag sina Robert Herndon at Maverick Ahanmisi ng tig 10 at eight markers ayon sa pagkakasunod.
Kumana si reinforcement Mike Harris ng 22 markers, siyam na rebounds, anim na assists at apat na steals para sa NLEX na nanatili sa tuktok ng team standings kapit ang 8-3 record.
Nakatuwang ni Harris sa opensa sina JP Erram at JR Quinahan matapos irehistro ang tig-19 at 17 puntos ayon sa pagkakasunod subalit hindi pa rin naitaguyod ang NLEX sa panalo.
Matapos silang matambakan sa unang dalawang periods ay hindi na nakaahon ang Road Warriors sa third at fourth quarters.
Pero nasa unahan pa rin ang Road Warriors at makakalaban nila ang No. 8 team sa quarterfinals.





Comments