top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

15-anyos nilasing, ni-rape ng kapitbahay

  • Jeff Tumbado
  • Nov 21, 2019
  • 1 min read

Arestado ang 30-anyos na lalaki matapos umanong gahasain ang 15-taong gulang na kapitbahay sa Iligan City.

Kinilala ang suspek na si Joel Madrazo, fish vendor, residente ng Bgy. Tambacan.

Batay sa report kay Police Major Abogado Mautin, gabi ng Martes nang maganap ang insidente sa bahay ng suspek.

Bago ang panghahalay, niyaya umano ng suspek ang biktimang si ‘Noemi’ na makipag-inuman sa kanya dahil birthday umano nito.

Pumayag naman ang biktima at nakipag-inuman sa suspek sa labas ng bahay nito.

Gayunman, nang makaramdam ng pagkahilo dahil sa ininom nilang alak ay agad umanong dinala ng suspek ang biktima sa loob ng bahay at doon ginahasa.

Nagawang makatakas ng biktima nang magpaalam na ito sa suspek na uuwi na subalit, lingid sa kaalaman nito ay dumiretso sa pulisya ang una para isumbong ang pangyayari.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page