UAAP Final Game 2: Agawan na sa titulo, UST vs. Ateneo

Pilit man nilang inilalayo dito ang kanilang pansin, ang posibilidad na maitala nila ang rekord na 16-game sweep ay hindi maiiwasan ng Ateneo lalo’t ito ang tinutumbok kung sakali sa muli nilang tapatan ng University of Santo Tomas ngayong hapon sa Game 2 ng UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament Finals series kung muli silang magwawagi.
Pagkaraan ng kanilang 91-77 panalo noong Game One paborito ulit ang reigning back-to-back titlist Blue Eagles sa muli nilang sagupaan ng University of Santo Tomas Growling Tigers ngayong alas-4:00 ng hapon sa MOA Arena sa Pasay City. Pero dahil ‘di pa natatapos ang salpukan, nariyan pa rin at tila bikig sa lalamunan nila ang UST para sa inaasam nilang ikatlong sunod na titulo. Bunga nito, determinado si Ateneo coach Tab Baldwin na matapos na ang laban sa hapong ito.
“We understand that this game on Wednesday is a chance to finish the season. And then we’ll let all of you talk about what you think about the team, what you think of whatever is related to our team. Believe me, we just want to play this game on Wednesday well, play it really well. Win the game and whatever comes with that, comes with that,” ani Baldwin.“We don’t want our focus on anything else, especially any talk about records or anything like that. Let’s just play this game on Wednesday and do the best we can,” dagdag nito.
Hinahangad din ng Blue Eagles na maging maganda ang exit ng kanilang mga graduating players na may malaking papel na ginampanan kung bakit sila nakaluklok ngayon bilang kampeon na kinabibilangan nina Isaac Go Adrian Wong, Matt at Mike Nieto at Thirdy Ravena na inaasahan ding muling mamumuno sa laban nila sa hapong ito. Sa kampo naman ng Growling Tigers, matapos akuin ang responsibilidad sa nakaraan nilang talo, ipinangako naman ni coach Aldin Ayo na bibigyan nila ng mas magandang laban ngayon ang Ateneo.
At inaasahang mangunguna sa hangad nilang makahirit ng do-or-die Game 3 sina Season MVP Souleman Chabi Yo, Brent Paraiso, Renzo Subido at Rhenz Abando na bumaba ang performance noong Game 1 kung saan halos mag-isang binalikat ng Rookie of the Year na Mark Nonoy ang kanilang laban. Ito na ang ika-apat na do-or-die game na susuungin ng Tigers mula noong stepladder semifinals.
Mauuna rito, uumpisahan ng UST Tigresses at ng reigning undefeated 5-time champion National University Lady Bulldogs ang women’s division finals ganap na alas-2:00 ng hapon.
Mga laro Ngayong Miyerkules Mall of Asia Arena 12 noon – NU vs UST (Women Finals) 2:30 - Awarding Ceremonies 4 p.m. – UST vs Ateneo (Men Finals)





Comments