top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pinagsisilbihan pa ng mga kasambahay… Mga aso ni Heart, sa long table kumakain at may kani-kanyang

  • Beth Gelena
  • Nov 20, 2019
  • 1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @iamhearte

Viral sa social media ang panawa­gan ni Heart Evangelista para sa na­wa­wala niyang aso.

Humingi siya ng tulong thru her @LoveMarie O. Escudero Twitter account, “My dog Casper is missing. Along new Mani­la… please help us find him. He will not make it without us… We need him and he needs us! Pls. help.”

Laking tuwa ni Heart dahil nagka­roon agad ng kasa­gutan ang kanyang panawagan.

Aniya: “You guys!!! Thank you so much for helping! Social media is the best! Hahaha… I am so touched for everything!!! We found Casper!!! He is now in the car on his way home.”

Mahilig talaga si Heart sa mga ha­yop. Kung ituring niya ang mga ito ay kanyang kapa­mil­­ya. At may kani-kanyang name ang mga pets ni Heart.

Katunayan, may na­panood kaming video months ago hinggil sa mga aso’t pusa na kanyang mga ala­ga. Naaliw kaming panoo­rin ang video dahil isa-isang pinapaliguan ng mga kasamba­hay ni Heart ang mga alaga. Katuwang din siyang nagpapaligo sa mga ito. And the height ay nang nasa hapag-kainan na ang mga pets. Long table talaga sila with matching names ang mga platong pagkaka­inan.

Imagine, pinagsisilbihan sila ng mga kasambahay na parang isang pamilya, huh!!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page