top of page
Pokwang.jpg

Nakausap ang ex na ama ng mga anak, sign na dapat nang maghanap ng bagong BF

Socrates Magnus
Nov 20, 2019
1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Gie ng Gie_ Ruby@facebook.com

Dear Professor, Nanaginip ako na nahanap ko ‘yung tatay ng anak ko. Magkausap kami sa video call, tapos humingi ako ng tawad at umiiyak siya. Ibinigay ko ‘yung contact number ko para kontakin niya ako pero ayaw daw niya. Tapos, ipinakita ko ‘yung hitsura niya sa kasama ko, medyo nag-iba ‘yung hitsura niya pero guwapo pa rin siya at napansin ko rin na may malaking nunal sa pisngi niya, eh, wala naman siya nu’n sa totoong buhay. Kinokontak ko ulit siya dahil may gustong sabihin sa kanya ‘yung isang anak namin. Gusto ring makita niya ang mga anak namin at matulungan niya akong magpaaral dahil matigas ang ulo nu’ng isa naming anak.

Naghihintay, Gie

Sa iyo Gie, Dumating na ang takdang panahon para muli mong buksan ang puso mo para sa bagong partner mo dahil ang mga napanaginipan mo ay ang kaganapan ng pinapangarap mo na makita ng iyong mga anak ang kanilang ama at lalaking naging bahagi ng iyong buhay.

Nakita mo na, as in, naganap sa panaginip mo ang hangarin mong nasabi kaya malungkot mang sabihin, ito ay malinaw na puwedeng-puwede ka nang maghanap ng iba na makakasama mo at tatanggap sa mga anak mo.

Huwag kang matakot o mag-alala dahil ang ganitong klase ng panaginip ay nagbibigay-diin din sa may makikita kang bagong makaka-partner at sa pagkakataong ito, panghabambuhay na ang inyong magiging pagsasama.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page