Mula 40 years.. Maximum na kulong, gawing forever
- Jeff Tumbado
- Nov 20, 2019
- 1 min read

Nakatakda nang iendorso sa plenaryo ng Kamara ang panukalang-batas na nag-aalis ng limitasyon sa maximum na taon ng pagkakapiit ng isang napang kriminal.
Ito ay makaraang aprubahan ng House Committee on Justice ang committee report para sa House Bill 4553 na nag-aamyenda sa Article 70 ng Revised Penal Code na nagtatakdang hanggang 40 na taon lang ang maximum na taon na makukulong ang isang convict.
Wala pang limang minuto ay naaprubahan ng komite ang panukalang iniakda ni Leyte Rep. Vicente Veloso sa layong matiyak na maisisilbi ang hustisya para sa mga biktima at kanilang pamilya.
Sa kasalukuyang batas, kung halimbawang nasentensiyahan ng pitong habambuhay na pagkakabilanggo ang convict ay hanggang 40 taon lamang ang maximum na panahon na kanyang isisilbi sa piitan.
“If the case of convicts of heinous crimes sentenced with nine reclusion perpetua, even after applying the threefold rule under Article 70 of the RPC, the convict will only be made to serve 40 years of imprisonment–no distinction with those convicted of one count of murder to serve only one reclusion perpetua sentence. It is as if there is simultaneous service of sentences when the provision of the law mandates successive service of sentences,” paliwanag ni Veloso.





Comments