top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

MPBL lalaro sa Canada sa pasko, regular na sa Calgary, Edmonton

  • MC
  • Nov 20, 2019
  • 1 min read

Papagaspas na ulit ang pakpak ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) patungo sa ibang bansa.

Bukod sa pag-ikot sa Pilipinas at pagdaos ng regular na Lakan Season games sa Dubai noong Setyembre, papalaot ang MPBL sa Canada sa Disyembre.

Inanunsiyo ito ni league founder at CEO Senator Manny Pacquiao sa halftime game ng Makati Super Crunch-Muntinlupa Cagers tussle noong Lunes (Nob. 18) sa Makati Coliseum.

Nilagdaan nina eight-division world champion, MPBL commissioner Kenneth Duremdes at deputy commissioner Zaldy Realubit ang memorandum of agreement kasama ang event organizers noong Biyernes. Napili ang San Juan Knights, ang MPBL Datu Cup champions, ang Zamboanga Family’s Brand Sardines at ang Imus Khaleb Shawarma Bandera na maglaro sa Alberta, Canada, lalo na sa siyudad ng Calgary at Edmonton.

Aalis sa araw ng Pasko ang MPBL contingent at magbabalik sa Dis. 29 at darating sa bansa sa Bagong Taon. Magiging katulad ang laro sa MPBL Dubai Invasion, kung saan ang Batangas City Athletics, ang siyang inaugural Rajah Cup titlist, ang Davao Occidental Tigers at ang Bandera, na ipinagmamalaki ang aktor-player na si Gerald Anderson. Ang Canada tour ay may dalawang regular Lakan Season games.

At dahil may 3 teams lang ang lalaro, dalawang beses lalaro ang Zamboanga sa Dis. 27 at 28 kasama ang San Juan at Imus na may tig-isang laro. Bitbit din ni Pacquiao ang ilang napili niyang stalwarts ng MPBL para maglaro sa exhibition games laban sa local selections.

Si Duremdes at MPBL Operations Head Emmer Oreta ay magiging bahagi ng All-Stars. Wala pang pinal na iskedyul kung kailan ang isa pang exhibition game sa Vancouver na iniatras ang return flight sa Dis. 30.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page