Horoscope | Nobyembre 20, 2019 (Miyerkules)

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 20, 2019 (Miyerkules): Kakaiba ang mga suwerte mo dahil nakasosorpresa ito kung dumating sa buhay mo. Kahit ang mga lihim mong kaaway ay magugulat din.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magsaya ka kahit sandali lang dahil ito ang susi sa patuloy na pagdaloy ng magagandang kapalaran mo. Mamasyal ka kahit nag-iisa ka lang, ito ang susi para manariwa ang iyong lakas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-24-39-41-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Balikan mo ang mga araw na ikaw ay napangiti. Sa biglang tingin, walang kabuluhan ang pagbabalik sa nakaraan. Sa maniwala ka o hindi, darapo sa iyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-18-20-24-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Tatalunin ka ng udyok na bumili ng kung anu-ano kung saan ang katwiran mo ay para sa kapaskuhan. Kaya lang wala pa ang Pasko kaya ipamimigay mo muna ang mga ito sa mga malalapit sa puso mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-16-17-29-30.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi ito gabay ng kapalaran dahil ito ay tiyak na iyong mararanasan kung saan ang dumaya sa iyo ay muli mong pagbibigyan dahil hindi mo matanggihan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-14-15-23-39-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Angat na angat ka ngayon sa mga nasa paligid mo. Masayang balita ito para sa iyo, pero mag-ingat ka at magmatiyag dahil may ilan na may isip-talangka ang lihim na kikilos laban sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-17-20-24-30-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakita ng langit na nahihirapan kang gawin ang mga unang hakbang sa tagumpay kaya magpapadala sa iyo ng isang nilalang na itutulak ka para masimulan na ang plano mo sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-27-32-39-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gamitin mo ang iyong likas na kagandahan upang mapasunod mo ang mga taong iyong mapakikinabangan. Nabubuhay ang tao hindi para siya na lang palagi ang naaagrabiyado. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-11-15-21-28-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi kailangan ang malaking halaga para makasunod ka sa Banal na Utos na pakitaan ng pagmamahal ang kapwa. Huwag kang gumaya sa iba na bago tumulong ay kailangan ang kayamanan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-19-22-26-28-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masasayang araw ang naghihintay sa iyo. Walang katwiran para talunin ka ng kalungkutan. Gawin mo ang mga dapat mong gawin at gawin mo ito nang masaya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-17-20-21-25-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mo masasabi ang sama ng loob mo dahil biglang mawawala ang inis at galit mo. Ang tunay na dahilan ay maliit lang ang iyong kaligayahan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-16-20-22-24-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Liliparin ng hangin ang mga tampo mo sa taong nakagawa sa iyo ng pagkukulang. Wala kang magagawa kundi ibalik ang dating tamis ng inyong pagtitinginan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-17-21-27-35-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hinahabol ka ng mga suwerte mo. Kahit saan ka magpunta at ano ang gagawin mo at kahit may lihim na galit ka sa mundo, magsisidapo pa rin sa iyo ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-20-24-25-36-44.




Comments