GF nakaaway.. Teenager, nagbigti ng kable ng mic
- Mylene Alfonso
- Nov 20, 2019
- 1 min read

Isang college student ang nagbigti gamit ang kable ng mikropono kahapon ng umaga sa Sampaloc, Manila.
Dead-on-arrival sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si ‘Gil’, 18, 1st year college sa National Teacher College na may kursong BS-IT.
Batay sa imbestigasyon ni PMSg. Mark Daniel de Guzman, alas-6:50 ng umaga nang madiskubre ng kanyang ina ang pagpapakamatay nito.
Isinugod pa ang biktima sa ospital ngunit, idineklarang patay alas-7:27 ng umaga.
Sa impormasyong nakuha ng pulisya, isa sa maaaring dahilan ng pagpapakamatay ng biktima ay ang sinasabing hindi pagkakaunawaan sa pagitan nito at ng kanyang nobya.





Comments