top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

'Di raw siya bading kahit pumatol sa bakla… Ion, girlfriend ang tingin kay Vice

  • Vinia Vivar
  • Nov 20, 2019
  • 2 min read

Sinagot ni Ion Perez ang akusasyong hindi niya totoong mahal si Vice Ganda at ginagamit lang niya ang gay TV host-comedian.

Sa exclusive interview ni Ogie Diaz kay Ion uploaded on YouTube, sinabi ng binata na mahal niya talaga si Vice at hindi niya ginagamit.

“Sa lahat ng nag-iisip na pinepera­han ko si Vice Ganda, mga tsong, si­guro, masasabi ko lang sa inyo, paki­samahan n’yo lang ako sa maghapon, kung may nasabi kayo sa pag-uugali ko, sige, magpapa-alila ako sa inyo habambuhay.

“Ipagawa mo kung ano’ng gusto mo, basta’t may nasabi ka sa akin sa pag-uugali ko sa maghapon na tayong magkasama,” pahayag ni Ion.

Naikuwento nga rin ni Ion na hindi pa man sila magkakilala ni Vice Ganda at pinapanood lang niya sa It’s Showtime ang comedian ay concerned na siya rito.

“Nu’ng wala pa ako sa Showtime, pinapanood ko pa lang ‘yan, si Vice, parang ‘pag umiiyak siya, parang ang sakit. Parang nararamdaman mo rin ‘yung mga sinasabi niya na parang ramdam mo siya, kasi oo nga, lagi nga niyang sinasabi, hanggang kailan siya magiging clown na parang ‘yun, pinaglalaruan siya, pinagsasamantalahan.

“Kaya nga sabi ko sa nanay ko, ‘pag kasama ko siyang nanonood, ‘‘Nay, kawawa naman si Vice.’ ‘Oo nga,’ sabi ng nanay ko, ‘kasi parang ginagamit lang siya,’ ganyan-ganyan.

“Pero ako, hindi ko naman po in-expect na maka­kapunta ako ng Showtime talaga. Wala po akong plano nu’n na pasukin ‘yan,” kuwento ni Ion.

Nai-share rin ng binata kung paano siya napunta sa It’s Showtime. Aniya, dati ay nasa pageant world siya at nanalong Mr. Universe-Tourism. Nag-quit daw siya sa kanyang reign dahil may hindi sila napagkasunduan ng humahawak sa kanya. Isang buwan na raw siyang bakante nang tawagan ng nasabing noontime show.

Noong una ay wala pa raw siyang nararamdaman kay Vice pero lagi na niyang tinitingnan ito kapag nagsasalita. Hindi raw niya ini-expect na one day ay magkakaroon sila ng relasyon dahil for him, okay na raw sa kanya na maging kaibigan nito.

“Hindi ko rin talaga in-expect na darating kami sa ganito. Hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko kasi sobrang bait ni Vice. Hindi mo rin ako masisisi ba’t ako na-in love sa kanya kasi sobrang bait niya talaga,” pahayag ni Ion.

Sey naman ni katotong Ogie, kaya hindi raw talaga totoo ang iniisip ng iba na ginagamit lang ni Ion si Vice dahil kahit siya ay hindi raw niya nararamdaman ‘yun.

“Matagal ko nang kaibigan si Vice at siyempre, naging manager pa ako ni Vice, hindi ko sa ‘yo ‘yun naramdaman. Kasi natuwa ako sa ‘yo nu’ng binabantayan mo sa ospital si Vice. Saka ‘yung alam mo ‘yung tipong nasa isang sulok lang, wala kang kibo, tapos, saka ka lang kikibo kapag kina­kausap ka,” sey naman ni Ogie kay Ion.

Naaliw kami sa diretsong tanong ni Ogie kay Ion kung bading din ba ito since nagmamahal nga siya ng isang bading na diretsong sinagot ni Ion ng “Hindi po. Sobrang straight po ako. Nag­kataon lang na nagmahal ako sa isang bakla.”

Ikino-consider daw niyang girlfriend si Vice at never na raw siyang manliligaw pa ng babae.

Pinuri-puri ng netizens si Ion dahil sa pagiging sincere at humble nito. Komento nila, mukha naman daw totoong mahal nito si Vice at hindi nga ginagamit.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page