Convenience store hinoldap

Pinasok ng mga armadong lalaki ang isang convenience store sa Bgy. Bolbok, Lipa City, Batangas.
Alas-5:45 ng madaling-araw, kabubukas pa lamang ng Alfa Mart Store nang magpanggap na customer ang mga suspek. Agad nilang tinutukan ng baril ang mga empleyado bago inutusan kung nasaan ang vault ng tindahan.
Agad nilang tinangay ang nasa P130,000 bago nagsitakas. Tinitingnan pa ng pulisya kung nahagip ng CCTV camera malapit sa lugar ang insidente at kung may kasabat o inside job ang naturang pangyayari.





Comments