top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Biyuda, natangayan ng P8 milyon.. Scam sa chat: Hanap dyowa, nanakawan pala

BRT
Nov 20, 2019
1 min read

Isang lalaking Nigerian ang inaresto sa Trece Martires City, Cavite dahil sa Love Scam, kung saan isang biyuda na nakarelasyon umano nito online ang tinangayan niya ng P8 milyon.

Hinuli ng mga tauhan ng Anti-Cybercrime Unit ng CALABARZON Police ang suspek na si Chimaobi Michael Orijianya makaraang tanggapin nito ang P380,000 mula sa money mule na siyang inuutusan ng mga sindikato para magbukas ng bank account kung saan inihuhulog ang pera ng mga magiging biktima.

Isa sa mga biktima ni Orijianya si alyas Maria, 67, biyuda mula sa Cagayan Valley.

Noong nakaraang taon, isang Raymund Santos ang nakarelasyon umano ni ‘Maria’ sa pamamagitan ng chat.

Nagpakilala umano si Santos na engineer at contractor sa isang proyekto sa Malaysia subalit, dahil tapos na umano ang proyekto ay bumalik na siya sa London, United Kingdom, kung saan umano siya nakabase. Gayunman, na-hold umano ang kanyang bagahe sa airport sa Malaysia na may laman umanong US$28 milyon.

Isang Jerry Lucas na nagtatrabaho umano sa British Embassy ang pinakontak ni Santos sa biktima para ma-release ang bagahe subalit, kailangan umanong magbayad ng processing fee bilang kapalit at magiging benepisaryo umano ng nasabing bagahe si Maria.

Napag-alaman na mula noong nakaraang taon, umabot na sa P8 milyon ang naihulog ng biktima sa iba’t ibang bank account na ibinigay sa kanya ng umano’y engineer subalit, walang dumating na bagahe.

Hanggang sa nakipagtulungan ang money mule para magkasa ng entrapment operation laban kay Orijianya.

Nabulgar na isang taon nang expired ang visa ng suspek, na itinanggi ang mga paratang.

Kaugnay nito, nahaharap sa kasong estafa ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page