Binanatan dahil labas-suso habang nasa TV… Resbak ni Angeline sa mga netizens: 'Wag n'yo pon
- Ador Saluta
- Nov 20, 2019
- 2 min read

Photo: @sheniel_chong
Maraming netizens ang nasorpresa sa ‘luwa-dibdib’ outfit ni Angeline Quinto sa kanyang guesting sa A.S.A.P. Natin ‘To last Sunday. Hindi nila sukat-akalain na ang pa-Maria Clara image na si Angeline ay magpapasilip sa madlang pipol ng halos kabuuan ng kanyang dibdib.
Pagkatapos ng A.S.A.P. episode, matapang na binatikos ng isang netizen ang pagsusuot ni Angeline ng low neckline dress at hindi raw magandang “lantaran” ang pagpapakita nito ng dibdib sa mga isinusuot.
Komento ng netizen sa Instagram account ni Angeline: “Hoy Angge...kung kakanta ka naman sa A.S.A.P., lantaran na ‘yung boobs mo, ‘kakahiya ka!!! Ayos-ayusin mo naman. Ganyan ba ang dalagang Pilipina...”
Depensa ni Angeline, hindi na dapat problemahin pa ng netizen ang kanyang “boobs.” Direktang sinabi ng Kapamilya singer na hindi niya gusto ang takbo ng pananalita sa kanya ng netizen.
Pahayag ni Angeline, “Maka-‘Hoy’ naman po kayo sa akin, ni magulang ko, hindi po ako tinatawag ng ganyan. Sana po, kahit papaano, maging mabuting ehemplo rin kayo sa ibang kabataan.
“Kung problema n’yo po ang boobs ko, ‘wag n’yo na pong pag-aksayahan ng panahon dahil nasisiguro ko, mas maraming bagay ang dapat pinagkakaabalahan ninyo sa personal ninyong buhay kesa sa boobs ko.
“Tama po? Salamat po.”
Komento rin ng isang netizen na si Naomi dela Cruz ng Calasiao, Pangasinan, shocked siya nang nakita niyang halos luwa na ang dibdib ng singer habang kumakanta.
“May balak bang maging sexy star? Hindi siya magandang ehemplo sa mga kabataan,” bungad na ngitngit ni Noami sa singer.
“Turn-off na kami sa kanya, ang akala namin, may takot siya sa Diyos, ‘yun pala, nagpapaka-cheap ang image.”
Maangas din ang sagot ni Angge sa mga puna. Sinabi niyang dapat ay mas pagtuunan ang personal na problema ng mga bumabatikos sa kanya kaysa problemahin ng mga ito ang kanyang boobs.
Ang amin lang mensahe kay Angge, isa kang celebrity at pinapanood ng marami, na halos lahat ay umiidolo sa ‘yo, dapat sana’y umaayos ka sa tama at disenteng kilos dahil maraming kabataang umiidolo sa ‘yo.
コメント