top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bebot, hindi makakatuluyan ang tambay at nagdodrogang BF kahit pa nag-sex na

  • Maestro Honorio Ong
  • Nov 20, 2019
  • 2 min read

Maestro Honorio Ong

Katanungan

  1. May boyfriend ako at siya ang lahat ng first ko— first BF, first love at first touch, kaso wala siyang regular na trabaho kaya tutol sa kanya ang parents ko. Gayundin, may pagkaadik ang awra niya, pero hindi siya adik dahil paminsan-minsan lang siyang gumamit at nangako naman siya na magtitino na.

  2. Ang malaki kong problema ay kung paano ko ipaliliwanag sa mga magulang ko ang side ko, gayung ayaw nilang makinig at ayaw nila akong unawain na hindi masamang magmahal?

  3. Sa palagay n’yo, kahit kontra ang mga magulang ko sa boyfriend ko, may chance kaya na siya na ang mapapangasawa ko at dapat ko ba siyang ipaglaban sa katwirang nagmamahalan naman talaga kami?

Kasagutan

1. Hindi mo siya dapat ipaglaban dahil kung ikaw ay edukadang babae, galing sa matinong pamilya at mabuting angkan, pero ang mapapangasawa mo ay istambay at gumagamit pa, ano ang halaga na ipaglaban mo ang ganyang klaseng tao? At matapos mo siyang ipaglaban, ano ang mapapala mo sa kanya?

2. Ang isa pang problema ay halimbawa, ipinaglaban mo siya, ang medyo maikli at may guhit ng kanselasyon na unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad ay nagsasabing mauuwi sa wala ang anumang pakikipaglaban mo sa buhay, kahit ang ipinaglalaban mong ito ay sa ngalan ng pag-ibig.

Dahil ang maikli at may guhit ng kanselasyon na Marriage Line (arrow a.) ay tanda na kahit ipaglaban mo ang iyong boyfriend, hindi mo makakatuluyan ang una mong pag-ibig kahit nagmamahalan kayo dahil hindi kayo ang itinakda na magsama habambuhay.

3. Ang pag-aanalisang frustration sa pag-ibig na mararanasan mo sa kasalukuyan mong boyfriend ay madaling kinumpirma ng nabiyak at nagkabilog na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na ang pinakamabuti mong magagawa ay ihanda ang iyong sarili sa napipintong paghihiwalay ninyo ng iyong BF.

4. Kahit hindi mo siya makatuluyan, hindi ka naman dapat manghinayang dahil ang ikalawang malinaw at mas mahabang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad ay nagsasabing sa ikalawang pag-ibig at pakikipagrelasyon na ka-level mo rin ang social status sa lipunang inyong ginagalawan, tunay na magiging maligaya ka at makasusumpong ng panghabambuhay at wagas na pag-ibig.

Dapat Gawin

Ayon sa iyong mga datos, Erika, ang kasalukuyan mong boyfriend ay itatalang pansamantalang pag-ibig lang na mauuwi sa kabiguan sapagkat sa susunod na pakikipagrelasyon na darating sa 2021, makasusumpong ka na ng panibagong relasyon (2-M arrow c.) at ang ikalawang pag-ibig na ito ay nakatakdang humantong sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya hatid ng lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Libra.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page