top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Beach Surfer, makabawi kaya?

  • Ding Taboy
  • Nov 20, 2019
  • 1 min read

RENDA at LATIGO

Hahataw ngayong gabi ang Additional One Win in Group Races na paglalabanan ng Group Race at Condition Race sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.

Bibitiwan ang Winner-Take-All (WTA) Pick 6, Pick 5 at Pick 4 bukod pa sa Trifecta, Quartet at Pentafecta tatayaan ng mga Bayang Karerista.

Tatawid ang mga kalahok sa distansiyang 1,400 meters sa Condition Race 21,18,16 at 17 maliban Group Race merged 8-9 at Group Race 10. Sa pagsisimula ng karera sa Race 1, panimula ng WTA at Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super 6 nakalalamang ang Strong Leader at couple entry na Humuhumukunukunu at Rio de Janeiro.

Magsisimula ang Pick 6 sa Race 2 at maglalaban ang mga kalahok na Diva’s Champion, Beach Surfer at The Catalyst at El Mundo. Sa Race 3, ipinapatok ang Digame habang banta ang mga kalahok na Real Steel, Himig, Johnny Be Good at Katniss na simula ng Pick 5.

Sa Race 4, ipinapatok ang Box Office, habang ang mga kalahok na Eugene Onege, Messi at Most Trusted ay para sa segunda at tersera. Nakalalamang ang Be Humble habang panegundo ang Kingdom at Vanquisher ay para sa mga dehadista sa Race 5.

Mahigpit na maglalaban ang mga kalahok na Yes Kitty, Gil’s Magic, Alta’s Glory at couple entry na More or Less at No Regret sa Race 6. Sa Race 7 nakalalamang ang Genie Hello habang ang Coup d’ Etat ang siyang makakatunggali habang ang Mighty Pride at couple entry na Corazon at Magnum Force isama sa Trifecta at Quartet.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page