top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Bagyong Sarah, next

V. Reyes
Nov 20, 2019
1 min read

Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang binabantayang low pressure area (LPA) sa layong 720 kilometro sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Sakaling maging bagyo ay tatawagin itong Sarah ngunit, hindi pa inaasahang makaaapekto sa anumang bahagi ng bansa.

Samantala, napanatili ng Bagyong Ramon ang lakas nito habang mabagal na kumikilos at nakaaapekto sa Babuyan Islands at nagbabanta sa iba pang lugar sa Northern Luzon.

Sa severe weather bulletin ng PAGASA ng alas-5:00 kahapon ng hapon, nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 3 sa Hilagang Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Calayan, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga at Santa Ana).

Nakataas naman ang TCWS No. 2 sa Batanes, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte, Ilocos Sur at ang nalalabing bahagi ng Cagayan habang Signal No. 1 sa hilagang bahagi ng Isabela, Mountain Province, Benguet, Ifugao, La Union at Pangasinan.

Ibinabala rin ng PAGASA ang posibilidad na magkaroon ng storm surge ng may taas na dalawang metro sa bahagi ng La Union at Pangasinan.

Huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 120 kilometro sa silangan ng Calayan, Cagayan. Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na hanggang 120 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 165 kilometro kada oras.

Halos hindi pa rin umuusad ang Bagyong Ramon na tinatayang bukas lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) pero tatama muna sa kalupaan ng Babuyan Islands.

Ayon sa PAGASA, posibleng humina ang bagyo matapos mag-landfall dahil sa magiging interaksiyon nito sa Northeast Monsoon o Amihan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page