Babala ng DOH, kulang.. Hirit sa FDA, vape bawiin sa merkado
- Jeff Tumbado
- Nov 20, 2019
- 1 min read

Hindi umano sapat na magbabala lang ang Department of Health (DOH) tungkol sa banta sa kalusugan ng electronic cigarette o vape kundi kailangan ng maagap na hakbang tungkol sa usapin.
Giit ni ACT-CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo, dapat ay ipag-utos ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagbawi na mula sa merkado sa buong bansa ng lahat ng vape products.
Pati ang tinatawag na black market na nagbebenta nito sa pamamagitan ng online at sa mga kalsada ay dapat na ring buwagin.
Ipinunto ng kongresista ang lumalalang problema sa mga sakit sa baga ng mga Pilipino tulad ng lung cancer, asthma, allergies at airborne diseases tulad ng meningococcemia at marami sa mga ito ay nauuwi sa pagkamatay.
“Vaping compounds and complicates these problems of people caught in the smoking habit or with already weak lungs, as well with cardiovascular ailments,” ani Tulfo.





Comments