3 Sasakyan nagkarambola, 4 na sundalo patay
- Jeff Tumbado
- Nov 20, 2019
- 1 min read

Photo: MDRRMO Paranas
Nasawi ang apat na sundalo sa naganap na aksidente sa Paranas, Samar.
Maliban sa apat na sundalong namatay, tinatayang pitong indibidwal pa ang nasugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa national highway sa Bgy. Apolonia, Paranas, Samar.
Sa inisyal na impormasyon mula kay Police Col. Maria Delia Rentuaya, naganap ang insidente alas-9:00 kahapon ng umaga, sangkot ang wing van truck, hilux at traysikel.
Kabilang sa mga nasawi sina SSgt. Crisostomo Gabuay, Sgt. Sherwin Antonio, Sgt. Romel Ombrog at 2nd Lt Sharefe Cabanog, mga miyembro ng Philippine Army.
Sugatan naman sina Lt. Col. Edgar Allan Orbito, Sgt Abadiano, Mat Raymond Barante, Warren Dabut, Janica Obidos Baco, Jella Bacay Baccol at Sheryl Sayasa Maurillo.





Comments