Takot dumugin ng fans… Kasalang Sarah-Matteo, gagawin sa Italy
- Erlinda Rapadas
- Nov 19, 2019
- 1 min read

Photo: @matteog
Bagama’t wala pang exact date kung kailan gaganapin ang Sarah Geronimo-Matteo Guidicelli wedding sa 2020, may pakiusap na ang mga fans and supporters ng Pop Royalty.
Sana naman daw ay huwag itago at ipagdamot nina Sarah at Matteo sa mga fans ang kanilang kasal.
May bali-balita kasing gagawing “very private” ang kasal at may nagsabi pang baka sa Italy na ito idaos upang hindi dumugin at magmistulang circus. Pero pangako naman ng mga loyal fans ni Sarah, igagalang nila ang big event sa buhay ng kanilang idolo.
Pramis nga ng mga fans, magbe-behave sila at makikipag-cooperate sa mamamahala sa wedding ceremony. Gusto lang nilang saksihan ang memorable event sa buhay ng kanilang idolo.
Marami rin ang nagdarasal na sana, dito na lang magpakasal sina Sarah at Matteo at huwag nang dalhin pa sa Italy.
For sure, maging ang partidos ni Sarah ay mas gustong dito sa ‘Pinas ganapin ang kasal nila ni Matteo. Mas magastos at mas mahirap kung dadayo pa sa Italy ang wedding entourage.





Comments