top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sama-sama sa SEA Games itatampok sa TV at online

MC
Nov 19, 2019
1 min read

Sa ika-4 na pagkakataon sa kasaysayan, idaraos sa Pilipinas ang prestihiyosong Southeast Asian Games, ang biennial multi-sport event sa layuning palakasin ang pagkakaisa, unawaan at relasyon ng 11-miyembrong bansa sa rehiyon ng Southeast Asia.

Sa event na ito ngayong taon, ang 30th Southeast Asian Games ay may 56 sporting events, debut game ng esports na isa na ring official medal event.

Upang maipahatid ang ‘historic sporting event’ na ito sa lahat ng mamamayan, nagsanib-puwersa ang TV 5, at ang No. 1 Sports Channel sa bansa, ang Cignal, bilang pangunahing DTH Satellite Provider at Official Broadcasters ng 30th SEAG.

Sa ilalim ng kampanyang “Sama-Sama sa SEA Games” na suportado ng Smart Communications, pakay ng TV channel na pag-isahin ang mga Pinoy, local at abroad na matunghayan ang laro ng Pinoy athletes at suportahan sila sa kani-kanilang event. Ang kampanya na rin ang target ng MVP Group na walang pagod na bigyan ang manonood ng mas komprehensibo, up-to-date, at malalimang coverage sa free-to-air, pay TV, at digital.

Pareho nang mapapanood ang SEAG mula Nob. 30 hanggang Dis. 11 sa TV at online: Sa free-to-air, nariyan ang 5 at 5 Plus, sa Cignal, may ONE Sports at 3 bagong channels: SEA Games Channel, Team Pilipinas at SEA Games News Channel, lahat eksklusibo sa Cignal at SatLite subscribers.

Sa digital, matutunghayan sa ESPN5.com, sa Cignal Play app dagdag ang 3 SEA Games- YouTube channels na available ng 24 na oras.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page