top of page

NBA PHL, umayuda sa CNN ng P500-K sa block time games

  • MC
  • Nov 19, 2019
  • 2 min read

Bibitbitin ng NBA Philippines, ayon sa kanilang news release ng CNN Philippines ang mga napili nilang mga laro tuwing weekends upang mabigyan ng tsansa ang Pinoy basketball fans na matunghayan ang free TV na nagsimula noong Sabado Nob. 16.

Isa ito sa naging hakbang ng NBA Philippines upang ipakita sa Pinoy audience ang regular na weekend games. Bilang paglilinaw na rin sa kabila nito, pinaaalam na rin sa Pinoy NBA fans ang hinggil sa eksklusibong rights ng CNN sa pagsasaere ng games sa telebisyon.

Ayon sa isang pribadong source mula sa negosasyon na ang NBA Philippines ay bumili ng airtime sa CNN Philippines upang maibalik ang laro sa telebisyon. Sa nakaraang deals sa Solar Philippines, ang channel na BTV ang nagbitbit sa games sa maraming taon, maging ang ABS-CBN na nagpapalabas ng laro mula sa free TV at cable channels.

Upang mapanatili ang live actions, nagsagawa ang NBA PHL ng unorthodox Plan B tulad ng live streaming o select games sa Facebook at nagbabayad sa block time ng CNN Philippines sa limitadong panahon hanggang sa magkaroon ng negosasyon.

Mula naman sa source ng CNN Phls, sinikap ng NBA Phls na makipag-close deal upang maisaere ang mga piling NBA games bilang paid block time ng NBA. Ang block time fee ay nagkakahalaga ngayon ng P500,000 kada laro.

“That’s because NBA Philippines has yet to strike a deal with any of the TV networks which expressed interest on getting the rights to air the games,” ayon sa source, na hindi na nabanggit.

Sa nakaraang report ng FOX Sports Philippines, sinabi ni Jane Basas, pangulo ng TV5 na ang NBA Philippines ay may malaking kahilingan.

“The price for the TV rights which was offered to us is something we can not even recover,” ayon kay Ms. Basas. “They had to lower it a bit, but we came up with our offer.

Now the ball is in the hands of the NBA. Hopefully, they will get back to us.” dagdag pa niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page