top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kelot tinodas sa sabungan

Jeff Tumbado
Nov 19, 2019
1 min read

Patay sa pamamaril ang isang 27-anyos na sabungero sa Sta. Barbara, Pangasinan.

Pinuntirya ng hindi pa matukoy na gunman ang ulo at iba’t ibang katawan ng biktima na nakilalang si Ranjit King Calimlim na dahilan ng agarang kamatayan nito.

Ayon kay Pangasinan Provincial Police Office (PPPO) Director Col. Redrico Maranan, naganap ang insidente sa loob ng sabungan sa Bgy. Ventinilla pasado alas-11:00 kamakalawa ng umaga.

Sa imbestigasyon, nasa likurang bahagi ng sabungan ang apat na kalalakihan na pawang mga nakasuot ng maskara bago pinaputukan ng isa sa mga suspek ang biktima habang ito ay nasa kalagitnaan ng panonood ng sabong.

Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo.

Masusi pang inaalam sa imbestigasyon kung sino ang mga nasa likod ng krimen at kung ano ang motibo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page