Katumbas ng 55 classrooms.. P55 milyon kaldero para sa SEA Games

Photo: BCDA (right)
Pinuna ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang aniya’y magarbong cauldron o kaldero na gagamitin sa nalalapit na Southeast Asean Games sa bansa.
Umaabot sa P55 milyon ang naturang halaga ng kaldero na labis na pinanghihinayangan ni Drilon.
“P55 million is an extravagance that is so unnecessary and somebody has to answer for this,” ani Drilon.
Sa budget deliberation sa Senado, sinabi ni Drilon na hindi niya pinupuna kung overspending o hindi ang cauldron na gagamitin sa pagbubukas ng ika-30 SEA Games.
Nanghihinayang lamang umano ang mambabatas dahil ang halagang P55 milyon ay maaari nang magamit para sa 55 classrooms sa mga paaralan sa bansa.
“‘Yung isang silid ng paaralan P1 million, ito 55 na silid-paaralan ang nabuo sana kung hindi ganito kalaki ang pang-aabuso sa pondo ng taumbayan,” sabi pa ng senador.
Paliwanag ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) Head Vince Dizon, ang konstruksiyon ng SEAG cauldron ay magiging simbolo ng Pilipinas sa Sea Games.
Aniya, ilalagay ang cauldron sa entrance ng athletic stadium.





Comments