top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Habang may krisis sa tubig.. 1 week brownout sa Metro Manila

  • Madel Moratillo
  • Nov 19, 2019
  • 1 min read

Muling magpapatupad ng power interruption ang Manila Electric Company (Meralco) sa ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan ngayong linggong ito.

Ang power interruption na sinimulan kahapon, Nobyembre 18, na magtatagal hanggang Nobyembre 25 ay para bigyang-daan ang pagkukumpuni o maintenance works sa kanilang mga pasilidad.

Sa Maynila, kabilang sa maaapektuhan ang Ermita, Intramuros; Sta. Mesa, at Malate.

Maaapektuhan din ang ilang lugar sa Quezon City dahil sa pagpapalit ng mga poste, reconstruction ng mga pasilidad at line reconductoring works sa Bgy. Pansol at pagpapalit ng mga poste, line reconductoring works at reconstruction ng mga pasilidad sa Sitio Aguardiente, Bgy. Sta. Monica, Novaliches.

May power interruptions din sa San Ildefonso, Bulacan at Candaba, Pampanga dahil sa line reconductoring works sa Cagayan Valley Road sa Bgy. Sapang Putol, San Ildefonso.

Samantala, sa Cavite, makararanas ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente ang Bacoor dahil sa pagpalit ng alley arm sa Sineguelasan Road, Bgy. Sineguelasan; gayundin ang Dasmariñas City at General Trias dahil sa maintenance at repair works sa loob ng Meralco-Abubot Substation.

Mag-a-upgrade naman ng mga pasilidad sa Bgy. Zapote, Biñan City sa Laguna kaya inaasahang makararanas ng brownout ang Sta. Rosa City.

Humingi na ng paumanhin ang Meralco sa mga apektadong kostumer.

Kasabay nito, patuloy naman ang panibagong round ng rotational water service interruption na nakaaapekto sa halos 15 milyong kustomer sa Metro Manila at kalapit lalawigan.

Dahilan pa rin ng krisis ay nananatili umanong mababa ang alokasyon ng tubig sa Angat Dam.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page