Advisory: Walang Pasok

Wala paring pasok ang klase sa lahat ng antas sa buong lalawigan ng Cagayan ngayong November 19 (Martes) dahil sa inaasahang masamang panahon dulot ng bagyong Ramon.
Suspendido ang mga klase sa mga pampubliko at pampribadong paaralan sa lungsod, mula pre-elementary hanggang graduate school.
Balik trabaho naman na ang mga manggagawa ng pamahalaan at pribadong sektor ngayong araw.
Kasalukuyang nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Cagayan, kabilang ang Babuyan Islands, hilagang bahagi ng Isabela, Apayao, Kalinga at Ilocos Norte.





Comments