top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Aasenso sa abroad dahil sa malaki at magandang pirma

  • Maestro Honorio Ong
  • Nov 19, 2019
  • 1 min read

Dear Maestro, Nawalan ako ng trabaho noong September kaya naghahanap ako ng trabaho ngayon.

Itatanong ko lang kung magiging maganda kaya ang pasok sa akin ng Disyembre o mas magandang sa 2020 na lang ako mag-apply at maghanap ulit ng trabaho?

Gusto ko na sanang magkatrabaho dahil magpa-Pasko na at mahirap kapag walang pera ngayong Pasko. June 14, 1988 ang birthday ko.

Umaasa, Ryan ng Caballero, Guimba, Nueva Ecija

Dear Ryan, Ayon sa zodiac sign mong Gemini na may ruling planet na Mercury at birth date mong 14 o 5 (1+4=5), gayundin ang malaki at maganda mong lagda, ang lahat ng ito ay pare-parehong nagpapahiwatig na hindi sa mga local company ka aasenso at magkakaroon ng magandang career kundi sa pakikipagsapalaran sa ibayong-dagat.

Ibig sabihin, sa pag-a-abroad at pangingibang-bansa ka magtatagumpay at aasenso kaya mas makabubuting huwag mo nang sayangin ang iyong lakas at resources sa pag-a-apply ng trabaho sa ating bansa, sa halip ay mag-apply ka sa abroad.

Oo, habang bata pa ang iyong mga anak at habang malakas ka pa at matikas, sa ibang bansa mo ubusin ang iyong galing at talento kaysa sa sumiksik ka sa mga local companies na wala ka namang future, maging ang pamilya mo.

Sa ibayong-dagat ka makipagsapalaran sapagkat ang destiny number mong 1 (6+14+1988=2008/ 20+08=28/ 2+8=10/ 1+0=1) ang nagsasabing sa malayong lugar ka aasenso at yayaman.

Kaya, Ryan, sa sandaling nagawa mo ang mga simpleng rekomendasyon, mag-apply ka sa abroad ngayon o sa 2020, tiyak ang magaganap sa taon ding tinuran at sa edad mong 32 pataas, itatala sa iyong kapalaran ang mabunga at mapalad mong pangingibang-bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page