14-anyos sex slave ng pinsan
- Maeng Santos
- Nov 19, 2019
- 1 min read

Kalaboso ang 19-anyos na lalaki matapos umanong gawing sex slave sa loob ng dalawang taon ang 14-anyos na pinsan sa Malabon City, kahapon ng umaga.
Nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na itinago sa pangalang “Roger” upang mapangalagaan ang kapakanan ng biktima.
Sa nakarating na ulat kay Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao, nagsimula ang kalbaryo ng biktimang itinago sa pangalang “Katya”, Grade 9 noong 2017 sa loob ng kanilang tirahan sa Letre Road, Bgy. Tonsuya.
Sa pahayag ng mga kaanak ng biktima kay P/SSgt. Diana Palmones, binabantaan umano ng suspek ang pinsan kapag sila lang ang naiiwan sa bahay na may mangyayaring masama sa kanya kapag hindi nakipagtalik sa kanya.
Dahil sa takot, nanahimik na lamang ang biktima subalit, sa tuwing malalasing ang pinsan ay ginagapang siyang muli sa kanyang silid kapag sila lamang ang nasa itaas ng bahay.
Nitong Nobyembre, tatlong ulit na isinagawa ng suspek sa biktima ang panghahalay na nagsimula nu’ng Undas, sumunod ay noong Nobyembre 12 at ang pinakahuli ay kamakalawa ng alas-8:00 ng gabi.
Nang hindi na matiis ng biktima ang ginagawa ng pinsan ay naglakas-loob na itong nagsumbong sa kanyang kaanak na humingi naman ng tulong kina Bgy. Tanod Aries Ruano at Christopher Caampued na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.




Comments