VP Leni: Oplan tokhang, stop!
‘OPLAN TOKHANG’, NAIS ‘IPATOKHANG’ NI VP LENI?—Isa sa mga nais mangyari ni VP Leni Robredo bilang co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) ay tanggalin na ang “Oplan Tokhang” dahil maraming inosente raw ang nadadamay sa programang ito ng anti-drugs operation ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Kumbaga, parang iniutos na rin ni VP Leni na “tokhangin” ang “Oplan Tokhang” ng Duterte gov’t., period!
◘◘◘
DILG USEC. MARTIN DIÑO, DAPAT GISAHIN ANG MGA BGY. CHAIRMAN SA LOTTENG NI ‘PINONG’ SA QC—Nagkalat na raw ang mga kubrador ng lotteng ni “Pinong” sa mga barangay ng Gulod, Sauyo, Bagbag at iba pang lugar sa Novaliches, Quezon City.
Kung walang gagawing aksiyon si Mayor Joy Belmonte at mga parak nito, ang dapat umaksiyon ay si DILG for Barangay Affairs Usec. Martin Diño at kuwestiyunin ang mga barangay chairman kung bakit “nganga” lang ang mga ito sa panraraket ni “Pinong” sa kanilang mga barangay, period!
◘◘◘
COL. SANGALANG AT CAPT. CAJIPE, DEDMA SA RAKET NINA “RICKY” AT “ROSBEE” SA ANGELES CITY—Anim na ilegalistang nag-o-operate ng drop balls at color games sa San Simon, Pampanga ang inaresto noong Nobyembre 14, 2019 ng tropa ni Pampanga CIDG-Field Office Chief Col. Dederick Relativo.
Mabuti pa si Col. Relativo, sumusunod sa utos ni PNP-OIC Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa na dakpin ang mga ilegalista, pero sina Angeles City Police Director Col. Joyce Patrick Sangalang at CIDG-Angeles City-Field Office Chief Capt. Leopoldo Cajipe, dedma lang sa raket na drop balls at color games nina “Ricky” sa Bgy. Maragul at “Rosbee” sa Bgy. Balibago at Bgy. Cutod sa lungsod, pwe!





Comments