top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Inilaglag nina Vhong at Billy… John Lloyd, late na, napipikon pa 'pag binabago ang choreo ng say

  • Vinia Vivar
  • Nov 18, 2019
  • 1 min read

Photo: @billycrawford

Pinagtripan nina Vhong Navarro, Billy Crawford and Luis Manzano si John Lloyd Cruz sa guesting ng tatlo sa Ma­gandang Buhay. Dati kasi si­lang magkakasama sa gru­pong Kanto Boys ng A.S.A.P. at nag-recall ang mga nasabing Kapa­milya stars ng mga experiences nila sa grupo with Lloydie.

Kuwento ni Billy, may ilang beses daw na nagtampo sa kanila si Lloydie dahil lagi nilang bina­bago ang choreography sa mga production numbers nila sa ASAP.

Sina Vhong at Billy ang ma­dalas magbago ng choreo at the last minute komo nga mga dancers naman talaga ang dalawa.

“Nabubuwisit siya kasi nag-aral sila (ni Luis) nang maaga (sa rehearsal), tapos, babaguhin namin (ni Billy) ‘pag kami ang nahuli, so mag-a-adjust na naman. So, kaya kami, du’n daw nagkakamali,” kuwento ni Vhong.

Dagdag naman ni Billy, “Si Lloydie, siyempre, nagso-soap siya. Nagmu-movies, ang daming ginagawa, eh. Late ‘yun ‘pag call time namin, mga 7:30, 8 o’clock, darating ‘yun, mga 9:30, 10 o’clock, tapos papasok, naka-shades, dire-diretso sa amin ‘yun, ‘O, musta, musta?’”

Bigla raw sasabihin ni Vhong na may binago na naman sa choreography kaya naiinis na raw ang aktor.

Pagkatapos ilaglag si JLC (in a funny way naman), sa huli ay sinabi ng tatlo na “We love you, Lloydie! We miss you, bro!”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page