top of page

Hirit kay P-Digong.. Murang gamot sa diabetes at high blood

  • Mylene Alfonso
  • Nov 18, 2019
  • 1 min read

Habang pinag-uusapan pa sa Senado na palawigin ang Cheaper Medicine Act of 2002, hiniling na muna ni Senador Christopher ‘Bong’ Go kay Pangulong Rodrigo Duterte na pababain ang presyo ng gamot sa diabetes at high blood.

Karamihan umano sa mga Pinoy ay may sakit na diabetes at high blood kaya hiniling nito na magpalabas ng Executive Order na nag-aatas na mapababa ang presyo ng mga gamot sa nasabing karamdaman.

“Wala pong pinipili ang mga sakit na ito. Ang masaklap lang, ang mahihirap ay cannot afford po ng mga gamot para dito,” ayon sa senador.

Sa ngayon aniya ay may kamahalan ang presyo ng gamot na bahagi ng maintenance medicine ng mga senior citizens na may mataas na sugar level, diabetes at sakit sa baga.

Ayon pa sa chairman ng Committee on Health, puspusan ang ginagawa nilang pagtalakay para sa maximum drug retail price sa ilalim na rin ng Expanded Cheaper Medicine Act.

Samantala, umaasa ang mambabatas na mabilis nilang maipapasa ang pag-amyenda sa pagpapatupad ng murang gamot sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page