Ginto, ‘di pakakawalan ng Judokas sa 30th SEAG
- MC/Gerard Arce
- Nov 18, 2019
- 1 min read

Palaban ang PHL Judo para sa gold medals sa sandaling sumagupa na sila sa 30th Southeast Asian Games na magbubukas sa Nob. 30 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Ayon kay Philippine Judo Federation President Dave Carter, kumpiyansa sila na magwagi ng at least 4 gold medals, lalo na ngayong si Kiyomi Watanabe at ang team ay nasa magandang kondisyon.
Brilyo para sa gold ang 23-anyos na si Watanabe. Nagwagi siya sa women’s -63kg class sa Naypyitaw, Singapore at Kuala Lumpur editions ng SEAG kaya mataas ang kumpiyansa na makuha ang slot sa Tokyo Olympics sa 2020.
Siya ngayon ay umangat sa No. 23 sa world ranking at kailangan na lang na pigurahin ang tsansa sa iba pang international competitions upang mapanatili ang status sa top 26 hanggang sa cut-off sa Mayo 2020.
Bukod kay Watanabe, inaasahan ding malakas ang tsansa nina Carter, Mariya Takahashi, Heisi Nakano, Shugen Nakano, Shin Matsumura at Riyoko Salinas. “The national judo team is ready – not just for the SEA Games, but also for the Olympics,” saad ni Carter at malaki ang pasasalamat niya sa pagsuporta ng Philippine Sports Commission (PSC) dahil lahat ng kailangan nila ay tinugunan.





Comments