top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Eh, di wow, Jennylyn! Bela, umaming si Dennis ang pinakagusto sa lahat ng lalaking dumaan sa kanya

  • Erlinda Rapadas
  • Nov 18, 2019
  • 1 min read

Kung nagpahayag na si Bela Padilla na okay sa kanya kung makatrabaho man niya ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, dapat siguro ay huwag nang sulsulan at lagyan ng kulay ng mga fans at bashers upang maiwasan na ang gulo.

Kung anuman ang bagay na hindi pinag­kasunduan noon nina Marian at Bela, si­guro naman ay panahon na upang maayos ang anumang issue sa dalawang aktres.

Huwag nang ungkatin pa ang naka­raan. Mag-move on na rin ang mga fans nina Bela at Marian. Pareho nang mature ang dalawa kaya dapat ay magka­ayos na sila.

Sa mga aktor na nakatrabaho na ni Bela, si Dennis Trillo raw ang paborito niyang leading man.

Wow! Any reaction from Jennylyn Mercado?

Anyway, bakit kaya allergic si Bela kapag name ni Zanjoe Marudo ang itinatanong sa kanya ng media? Hindi ba maganda ang kanilang naging karanasan sa isa’t isa?

Bukod sa pag-arte at pagsusulat ng script, dream din ni Bela na makapagdirek ng isang pelikula at ito ang pinag­hahandaan niya nang husto.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page