Bigtime electric company ‘pag pumasok.. 160 power cooperatives, delikado
- Mylene Alfonso
- Nov 18, 2019
- 1 min read

Nakasalalay umano ang kahihinatnan ng mahigit 160 power cooperatives sa buong bansa sa pakikipaglaban ng Panay Electric Company sa kumpanya ng elektrisidad na isinalang ng waterfront magnate na si Enrique Razon.
“Lilikha ito ng puwang para makamkam o sakmalin ang bawat kooperatiba ng mga dambuhalang negosyante na wala o may pakialam sa interes ng taumbayan,” ani Marcelo Cacho ng PECO.
Batay sa kautusang ipinataw nitong Hulyo 2019 ng Mandaluyong RTC Branch 209, dinurog ang tangka ng MORE Power ni Razon na sakupin ang buong negosyo at mga ari-arian ng PECO sa pamamagitan ng R.A. 11212, at isinaad na ang ilang probisyon nito ay tahasang walang bisa at labag sa Saligang-Batas.
Isinulat ni RTC Presiding Judge Moqiue A. Quisumbing-Ignacio ang kautusan na nagbasura sa nasabing pagtatangka.
Samantala, batay sa National Electrification Administration at Energy Regulatory Commission records na mahusay ang PECO bilang power utility batay sa mga pamantayan ng NEA at ERC.
Hindi umano maipaliwanag kung bakit isinulong ng Kongreso ang MORE Power na mining company kahit walang karanasan, mahusay na plano o mga bihasang tauhan para magtustos ng kuryente sa mahigit 60,000 kabahayan at negosyo sa Iloilo City at dalawang kanugnog na bayan.





Comments