top of page
Pokwang.jpg

Napigil lang nina Karylle at Anne… Vhong at Billy, muntik magkasuntukan sa It's Showtime

Beth Gelena
Nov 17, 2019
1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Guests kamakailan sa Magandang Buhay sina Billy Crawford at Vhong Navarro. Dating co-host nina Vhong, Vice Ganda, Karylle, Anne Curtis at Jhong Hilario si Billy sa It’s Showtime.

Ayon kay Billy, muntik na silang magkasuntukan ni Vhong noon sa noontime show. Nagkaroon daw sila ng tampuhan. Kung hindi pa raw umupo sa pagitan nila sina Karylle at Anne, tiyak na magpapang-abot silang dalawa.

Inesplika naman ni Vhong kung bakit siya nagtampo sa kapwa co-host at hindi na ito pinagkakausap. Nagalit umano siya kay Billy dahil biglaan ang pagpapa-cancel nito sa kanilang biyahe noon patungong Hong Kong.

“Every year kasi, ginagawa namin ‘yun, may trip kami ng mga Kuys kasama si Billy din, aalis kami. Tapos, parang lately, ‘di na siya nakakasama. Siyempre, close ko siya, eh.

Kumbaga, parang ‘yung moment namin na ‘yun every year, ‘yun na lang ‘yung parang labas namin,” lahad ni Vhong sa morning show ng ABS-CBN.

Pag-amin naman ni Billy, “Actually, kasalanan ko ‘yun. ‘Yung time na ‘yun, nakaoo na kasi ako and last minute ko nasabi sa kanya na hindi ako makakaalis.

“Walang hesitation, as in nag-shut down talaga si Vhong. As in ‘di ako kinausap. Kahit nasa Showtime kami, as in!”

Pero hindi ang tampuhan nina Vhong at Billy ang dahilan kung bakit nawala ang huli sa It’s Showtime.

Ngayon ay magkasama na uli ang magkaibigan sa talent search program na Your Moment.

Si Vhong bilang co-host ni Luis Manzano, habang hurado naman si Billy kasama sina Nadine Lustre at Boy Abunda.vjv

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page