Horoscope | Nobyembre 17, 2019 (Linggo)

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 17, 2019 (Linggo): Isinilang ka na may mayamang imahinasyon. Gamitin mo ito para sa iyong ikauunlad. Ito rin ang susi mo sa malalaking tagumpay mo sa buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Labanan mo ang mga negatibong pananaw na labas-pasok sa iyong isipan. Higit kailanman, kailangan mong maging positibo ngayon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-14-29-34-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Linisin mo ang iyong kapaligiran at gaganda ang iyong buhay. Ito rin ay nagsasabing, walisin mo ang listahan ng iyong mga kaibigan kung saan dapat mong tanggalin ang mga hindi naman tunay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-22-25-27-39-43-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Bigyan mo ng buhay ang mga magagandang ideya na noon mo pa iniingatan dahil malaki ang isusulong ng iyong kayamanan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Mauwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-26-30-31-32-35.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong palakihin ang maliliit na bagay tulad ng pagkakamali ng isang taong mahalaga sa iyong buhay. Huwag na huwag mong maliitin ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-15-21-28-31-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Aangat ang kabuhayan mo. Huwag mong kalimutan ang mga nakatulong sa iyo. Umuunlad ang buhay kapag ang tao ay hindi nakalilimot sa mga taong nagmahal at tumulong sa kanya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-28-32-39-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Paramihin mo ang hawak mo at lakasan mo ang iyong loob. Ito ang susi ng mga yumaman na at patuloy nilang pinararami ang kanilang mga kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-19-20-25-34-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mula sa munting buto, ang punong malaki at maraming bunga na maging ang mga ibon ay sumisilong sa kanya. Mali ang inaakala mong malaking puhunan ang kailangan mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-18-20-23-30-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Manghiram ka ng pera at gamitin mo ito sa negosyo. Huwag kang tumulad sa marami na nanghihiram, pero hindi sa negosyo napupunta. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-11-15-16-22-25.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nananariwa ang halaman kapag dinidiligan. Huwag mong pabayaan na manamlay ang iyong relasyon at diligan mo ito ng pagmamahal. Sino? Sino pa nga ba kundi ang iyong mahal. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-17-22-25-28-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makipagkuwentuhan ka sa mga nasa paligid mo at makikita mong mababago ang pakiramdam mo. Sasaya ka at ang mga nararamdaman mo sa katawan ay maglalaho na parang bula. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-15-16-24-28-30.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang masyadong seryoso sa mga ginagawa mo. Ang kapalaran mo ay nagsasabing, kahit kailan, saya ang bumubuhay sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-16-28-31-38-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit kuwento lang ang mapakinabangan mo sa isang tao, kailangan mo pa rin siya dahil kapag may kasama ka, makagagawa ka ng mga bagay na hindi mo nagagawa kapag nag-iisa ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-17-22-24-41-43.




Comments