top of page
Pokwang.jpg

Hayaan daw muna siyang lumigaya… Sunshine, umaming todo-enjoy na single uli, atras sa kasal kay Mac

Vinia Vivar
Nov 17, 2019
2 min read

Photo: @mackymathay

Sa presscon pa rin ng The Heiress, nilinaw ni Sunshine Cruz ang balitang hindi nagpunta ang ex-husband na si Cesar Montano sa debut ng panganay nilang anak na si Angelina Cruz na ginanap last September.

“Ang dami kasing lumabas na hindi (nagpunta). Nagpunta. Mayroon pa nga siyang nameplate. Ako pa ang nag-prepare ng mga nameplates, kasi I thought kakain (si Cesar),” paglilinaw ni Sunshine.

Pero hindi na raw pumasok pa sa venue ang dating asawa at inirespeto naman niya ito.

“He chose not to go in, pero nagpakita siya sa anak ko. Nagpakita siya, nag-selfie pa raw sila ng bata, may inabot siyang regalo sa anak namin, so okay na ‘yun.

“In-invite naman talaga siya ni Angelina and dapat ka-table pa niya sina Francis Libiran, sina Ruffa (Gutierrez). Pero hindi nga pumasok na. Eh, irespeto na lang natin ‘yun. Ang importante, nakita niya ang anak niya at nagpunta siya roon para sa anak niya,” pahayag pa ng aktres.

Ayaw nang pag-usapan pa ni Sunshine ang tungkol sa financial support ni Cesar para na rin respeto sa isa’t isa.

When asked kung may galit pa ba siya sa ex-husband, ani Shine, “‘Wag na natin siyang pag-usapan, annulled na ako, move forward na tayo.”

As we all know, sa ngayon ay happy si Sunshine sa piling ng boyfriend na si Macky Mathay. Usap-usapan nga na engaged na sila at ayon sa aktres ay hindi ito totoo.

She’s 42 na raw at kung engaged siya, sasabihin niya sa mga tao, especially sa mga mahal niya sa buhay.

Ayon pa kay Sunshine, kailan lang talaga naging officially annulled ang marriage niya with Cesar kaya ini-enjoy pa niya ang kanyang pagiging single ngayon.

Kung tatanungin siya ngayon ay hindi pa raw talaga siya ready na mag-asawang muli at sinasabi niya ito sa kanyang boyfriend.

“Kahit gustuhin niyang mag-propose sa akin, ako mismo ang nagsasabi sa kanya that I am not ready. Hindi pa. Hayaan n’yo muna akong lumigaya nang single ako.

“Officially single ako, I’m doing well. Sa awa ng Diyos, hindi naman tayo nawawalan ng projects, ng trabaho.

“So, gusto ko munang i-enjoy, lalo na’t nagiging teen-agers na ang mga anak ko,” she said.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page