Bukidnon nilindol

Niyanig ng Magnitude 4.3 na lindol ang bayan ng Kadingilan, Bukidnon, kahapon ng umaga.
Natunton ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng pagyanig sa layong walong kilometro sa hilagang-kanluran ng Kadingilan.
May lalim na 9 na kilometro ang lindol na tectonic o paggalaw ng lupa ang pinagmulan.
Naramdaman ng mga tao sa lugar ang Intensity II sa Kadingilan, Dumulog & Kalilangan, Bukidnon; Kidapawan City; Cotabato City; Davao City at Wao, Lanao del Sur.
Kung pagbabatayan naman ang instrumento ng Phivolcs, naitala ang Intensity II sa Cagayan de Oro City at Intensity I sa Kidapawan City.





Comments