top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

5 estudyante, arestado sa droga

Maeng Santos
Nov 17, 2019
1 min read

Anim katao kabilang ang limang estudyante at tatlo sa mga ito ay menor-de-edad ang arestado matapos makuhanan ng ilegal na droga sa Caloocan City.

Sa report ni Caloocan Police Community Precinct (PCP) 7 PLt. Ferdinand Espino kay City Deputy Chief for Administration PLt. Col. Ferdie del Rosario, nagpapatrulya ang mga tanod ng Bgy. 162 na sina Melvin Ramos at Maricel Bonita sa Cleofer St. nang mapansin nila ang isang grupo na halos pawang menor-de-edad na gumagala sa naturang lugar.

Dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar, sinita ng mga tanod ang mga suspek na kalaunan ay nakilalang si Mark Alagna, 18, estudyante at tatlo pang estudyante na edad 15 hanggang 16.

Nakuhanan ang mga suspek ng sachet na naglalaman ng hinihinalang marijuana na nasa 4.6 grams at paraphernalias.

Alas-10:15 naman ng gabi nang maaktuhan nina PCpl. Jestonie Torre at PCpl. Ailer Maceda, kapwa nakatalaga sa PCP-7 sina Marvin Estoce, 23, estudyante at Bryan Saligumba, 29, driver na nagtatransaksiyon ng ilegal na droga sa Camp 69 St., Bgy. 162.

Ani PLt. Espino, narekober kay Estoce ang sachet na naglalaman ng pinatuyong marijuana na nasa 2.32 grams habang nakumpiska naman kay

Saligumba ang walong sachets ng marijuana na tumitimbang sa 12.83 grams.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page