top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

2019 PHILRACOM Cojuangco Cup

Ding Taboy
Nov 17, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

Labintatlong mananakbo ang maghaharap ngayon sa pagtikada ng 2019 Philracom Ambassador Eduardo M. Cojuangco, Jr. Cup, kasabay ng ika-24th na taon ng MARHO Breeders’ Championships na paglalabanan ng mga piling kabayo sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Masasaksihan ng Bayang Karerista ang pag-alagwa ng imported at local horses sa pangunguna ng Certain to Win, Und Kantar, Time and Again, Murika, Truly Ponti, Couple entry na Sepfourteen at Hitting Spree, Super Sonic, Great Wall, Viva Morena, Bugle Notes, Christmas Sky at Metamorphosis.

Pinapaboran ng mga miron na mananalo ang Bugle Notes, binibigyan ng konting laban ang Time and Again.

Samantala ang Hitting Spree ay panegundo na lamang at ang Viva Morena.

Ngunit, hindi nakikita ang iba pang magagaling na entry gaya ng Super Sonic na wala pang talo ang karta ng kabayo. Makikita ang galing ay husay ng mga kalahok mamaya ng pag-alagwa ng Cojuangco Cup na tatawid sa distansiyang 2,000 meters.

Unang masasaksihan ng Bayang Karerista ang pagtikada nang 24th MARHO Breeders’ Championships- 2 Year Old Juvenile Colt and Fillies at pinapaboran ang kabayong couple entry na Stardust at Cool Mom at makakalaban ang couple entry na After Party at Money Dance at Kampilan.

Pinapaboran ang Cerveza Rosas, Marho Breeders’ Championship Classic at makalalaban ang mga kalahok na Scarborough Shoal, Pinagtipunan, Kapayapaan at Mandatum sa distansiyang 2,000 meters.

Maglalaban sa Marho-SMB-Ciara Marie Abalos Foundation trophy race ang mga kalahok na Heiress of Hope, Sky Dancer, Goldsmith, Boss Emong, Real Gold at Hiway One na tatawid sa distansiyang 1,600 meters.

Ipinapatok ang Obra Maestra sa Marho Breeders’ Championships 3 Year Old Colt and Filly Mile laban sa Toy for the Bigboy, Jayz, Lakan Takhan at Agi Daw.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page