Two Timer vs. Doktora sa 24th MARHO Breeders
- Ding Taboy
- Nov 16, 2019
- 1 min read

Magsisimula ang laban ng mga kalahok sa 24th MARHO Breeders’ Championships na inaasahan na magkakadehaduhan ang laban sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.
Unang masasaksihan ng bayan karerista MARHO-San Mig Coffee trophy race sa sagupaan ng mga kalahok at pinapaboran ang Sultanov sa mga kalaban na Great Style, Crown in My Head at Double Sunrise na simula ng 1st WTA sa Race 1.
Sa Race 2 magaganap ang MARHO-Monterey Trophy race at pinapaboran ang Weekend Bash, Rocking Hill at Gee’s Delight na simula ng 1st Pick 5. Sa Race 3, bibitiwan ang Diamond Hotel trophy race, nakalalamag ang Minalim at makakalaban ang Sail With Gee at My Big Osh na simula ng Pick 6.
Sa Race 4 magaganap ang 2nd WTA sa Purefoods ‘Ulam King’ trophy race at pinapaboran ang Run Em Down at binibigyan ng panalo ang kalaban na Beautiful Star, Princess Tin at Rich ‘N Humble.
Sa 2nd Pick 6 sa Race 5, aalagwa ang Magnolia ‘Ang Pambansang Manok’ trophy race at nakalalamang ang Panalangin habang ang Put Atigerinurtank ang makakatunggali at mahigpit na isama ang Oak Princess.
Sa Race 6, nakalalamang ang Caraga Storm sa Barangay Ginebra trophy race, kasabay ng 2nd Pick 5 at maglalaban-laban sa forecast ang Only One, Grey Area, My Priviledge at Seni Seviyorum.
Sa Race 7, magkakaharap ang Two Timer at Doktora, Harapin ang Bukas at Refuse to Lose kasabay ng Pick 4.
Nakalalamang ang Shadow of the Sun sa pagtikada ng bank of commerce trophy race at makakalaban ang Sky Hook, isama ang Morning Breeze, River Mist at Magic Carpet Ride sa mga parating sa Pentafecta.





Comments