Natakot kaya todo-sori ngayon... Matteo, 'di nag-effort mapalapit sa pamilya ni Sarah
- Erlinda Rapadas
- Nov 16, 2019
- 1 min read

Photo: @matteog
Tama lang ang ginawa ni Matteo Guidicelli na nag-sorry siya sa parents ni Sarah Geronimo dahil hindi siya nag-effort na mapalapit sa kanila noong panahon na nililigawan pa lang niya ang Popstar Royalty.
Sobra sigurong natakot/na-intimidate si Matteo sa parents ng GF niyang si Sarah dahil alam niyang napaka-strict ng mga ito sa mga manliligaw ng kanilang anak kaya hindi niya nagawang makipagkilala nang husto kina Mommy Divine at Daddy Delfin.
Pero “true love wins” at sa tagal ng panahon ng panunuyo ni Matteo kay Sarah, naramdaman naman ng parents ng magandang singer na sincere siya sa dalaga. At ang nalalapit na ngang pagpapakasal nina Sarah at Matteo ang pinaghahandaan ngayon ng Geronimo/Guidicelli family.
Finally, natagpuan na rin ni Sarah ang kanyang Mr. Right.





Comments