Helper naatrasan ng tractor, dedbol

Isang 46-anyos na helper ang nasawi nang maatrasan at magulungan ng tractor sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan si Ernesto Go, ng Calumpit, Bulacan.
Sumuko naman ang driver ng Isuzu tractor (ACK 9108) na si Jefrael Loquias, 35, ng Bgy. Longos.
Sa nakarating na ulat kay Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao, alas-10:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa Salmon St., Bgy. Longos nang aksidenteng maatrasan ang biktima ng minamanehong tractor ni Loquias.
Pansamantalang itinigil ang imbestigasyon habang nakabimbin ang “amicable settlement” na iniaalok ng may-ari ng tractor.





Comments