Dahil sosyal daw ang mga kinakain 'di tulad ng mahihirap… Sigaw ni Heart: Amoy cherry ang utot k
- Beth Gelena
- Nov 16, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Hahaha!!!
‘Kalokah rin naman itong misis ni Cong. Chiz Escudero na si Heart Evangelista. Patola-ek din sa social media, eh!
Isang netizen ang nagtanong sa kanya ng walang saysay na bagay. Galing kay @ludette_may (in all capital letters, huh?), “MISS HEART… ITATANONG KO LANG PO… CURIOUS LANG PO AKO… ‘YUN PO BANG MGA SOSYAL… MABAHO RIN ANG UTOT? O IBA ANG AMOY? KASI SOSYAL ANG KINAKAIN…”
Sagot ni Heart, “Amoy strawberry… pero ako, cherry lang.. char!”
Kung ang netizens ay natawa, kami pa kaya ang hindi sa reply ng Kapuso actress?
Aba, walang kaplastikan sa katawan at hindi na inisip ni Heart na ang husband niya ay isang pulitiko.
Ang sa kanya ay nailabas niya ang kanyang toilet humor.
Sabi nga ng mga netizens, “Hindi kasi siya annoying at pampam.”
“I like how she engaged the commenter! Hahaha”
“Hahahahhahhahaha I looooove her answer! Seriously lakas ng sense of humor ni Heart.”
“Si Heart ‘yung maarte pero ‘di ako naiinis. Haha! Ang cutiee.”
Maraming nagsasabi na in real person ay talaga raw may pagka-naughty din si Heart paminsan-minsan.
O, ‘di ba, sa UTOT lang, napasaya ni Heart maging ang kanyang mga bashers.




Comments