Caram, Cignal PBA player of the week

Nasa right timing na ang lakas ng career ni Anjo Caram sa PBA lalo na sa team ng Meralco Bolts.
Nagpasabog ng career-high 30 puntos para sa Bolts ang guard at ipanalo sa 103-89 ang team kontra North Port Batang Pier upang isolido ang kanilang habol bilang no. 1 seeded team sa playoffs ng Governor’s Cup. Para kay Coach Norman Black ‘awesome’ aniya ang performance ni Caram nang umiskor ng 16 puntos sa 4th quarter.
Si Caram ngayon ang hinirang na PBA Press Corps-Cignal Player of the Week sa peryodong Nob. 4-10. Nagawa ng 28-anyos na pride of Iloilo City ang naturang laro bagamat pinakamaliit na PBA player sa taas na 5-foot-6 at makaiskor ng 30 points ayon sa statistician na si Fidel Mangonon III.
Samantala, iniimbitahan ng PBA Press Corps ang mga Metro Manila schools na lumahok sa sportswriting contest, magsisimula ito sa Nob. 22.
Limitado ang slots para lamang sa ‘ first come, first served basis’ na lalahukan ng college at senior high students.
Bawat school ay pinapayagan na may 2 entry na writers at 1 photographer. Ang dagdag na photographer category ay first time kasabay ng ika-25 anibersaryo ng kompetisyon na nagsimula pa noong 1994.
Ang mga kalahok ay kinakailangang magsumite ng valid school IDs at dapat bonafide member/ staff ng kanilang school publication.





Comments